AVA POV Pagsapit ng 4 pm ay nag out na kaming tatlo nila Chelsey at Garry. Nagulat na nga lang ako ng makita ko itong si Chelsey na may dalang roses and chocolates. Nag titinginan pa nga ang ilang mga tao sa kanya at siya ay halatang kinikilig pa nga ngayon. I am just so happy for her, genuine ang nararamdaman ko para sa kanya. Sana kung sino man itong secret admirer niya ay lumitaw na para makilala ko at makilatis na rin. Syempre kaylangan na kilala ko rin siya para maamoy ko if his intention to my friend is real or not. Si Garry halatang walang imik ng makapasok kami dito sa elevator. "Naks! Ikaw na talaga girl, bago ka pa lang dito pero may secret admirer ka na ha! Are you sure na hindi mo alam kung sino ito ha?" "Well Ava, I have a feeling who is this person pero sa akin muna.

