Pero wala muna kaming biruan ngayon dahil seryoso muna ang aming usapan. "Garry pakausap nga muna ako kay Sean!" "Sean? Teka wala rito si Sean sa office ko!" "Ano? Sabi niya kanina ay pupunta siya sa office mo. Are you sure about that?" "Nako teh, I am not joking to you. Kahit na pumunta ka pa rito, ako lang ang tao. Baka sa ibang department pumunta si Sean. Try mong tawagan ang office ni Ma'am Anna at baka nandoon siya. Or baka mali ka ng dinig mo noong magpaalam siya kanina sayo!" Tama naman ang pagka dinig ko sa sinabi ni Sean kanina. Sigurado ako na sinabi niya na pupunta siya sa office ni Garry. "Okay sige-" He interrupted me bago ko pa man ibaba ang tawag. "Wait Ava, sabay na pala ako sa inyo mag lunch mamaya sa office mo." Gusto ko sana na kaming dalawa lamang ni Sean a

