Hinalikan pa ako nitong boyfriend ko sa harapan nilang lahat. "Ayyiiie! Kayong dalawa ha? Kurutin ko ang mga singit niyo eh! Sabuyan ko kayo ng asin hahaha!" "Hoy Chelsey wag ka nang mainggit no. Sabi ko nga sayo, sagutin mo na si Miguel para may boyfriend ka na rin!" Naging seryoso ang mukha ni Chelsey na halatang napikon sa sinabi ni Garry. "Ang kulit mo bakla! Isa pang sambit mo niyan ay bibigwasan na kita!" pagbabanta niya pa. Since nandito na si Ma'am Anna ay didiretsuhin ko na siya ng tanong. "Ma'am, siya nga po pala, kaano ano niyo ba si Miguel ha?" "He is my pamangkin Ava. Actually, ninong niya rin si Mr. Tan kaya nga pinasok ko siya dito sa company. Why did you ask?" "Nothing po," sambit ko, at least kahit papaano ay alam ko na tama ang nasagap na balita nitong si Ga

