AVA POV Grabe yung naging kwento ni Ma'am Anna sa akin, kumakain ng mangga rito sa office si Chelsey? Kaya naman pala naamoy ko ang bagoong kanina pagpasok ko. Tapos napansin ko pa na tumataba rin si Chelsey. I don't want to suspect that she is pregnant but that is the only explanation here. Pero sino ang tatay nito eh single siya? Wala naman siyang nababanggit sa amin. Or baka ayaw niya lang umamin? I don't see anything wrong if may boyfriend na siya. I can remember clearly that she told us before na ia announce niya ito kapag meron na siya. Pero ayaw ko siyang pangunahan. Baka masyado lang din akong naga assume sa isang bagay na malabong mangyari. Nang matapos kami mag usap ni Ma'am Anna ay lumapit na ako sa kay Chelsey na busy sa kanyang trabaho. "Busy ha?" sambit ko. Lumingon

