AVA POV "What if ibenta na lang natin yung ibang mga sasakyan babe? I mean kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa ang sasakyan ni papa Hector compared sa sasakyan ko. Ano sa tingin mo ha?" "Pwede rin para pandagdag natin sa gastos din natin sa pagpapanganak mo. Kaysa naman sa nakatengga lang ang mga yan dito sa mansyon. Ang problema natin, paano ibebenta? Magkano kaya natin mabebenta ang sasakyan mo?" Mabuti at pumayag kaagad si Sean. Sa panahon ngayon ay dapat nang maging practical. Masaya ako na nakapag pundar ako ng sarili kong sasakyan ngunit panahon na para ibenta ko yun. Mahirap ang maraming kotse dito sa bahay. "Okay na ako sa three hundred thousand pesos at tsaka ano ka ba Sean? Sa panahon ngayon ay wala nang impossible. We can post that on our social media accounts." "A

