AVA POV "Ang boring mo girl, para sa akin, ayos lang maging bata paminsan lalo na kapag stress masyado ang ating buhay. Pero bahala ka na, labag man yan sa loob ko but your wish is my command." "Ano ka ba okay lang yan! Daanan mo nga siya doon sa office nila ni Ma'am Anna tapos yayain mo dito!" Tinaasan niya ako ng kilay, "Ano siya hello? Try mo na lang na tawagan!" "Wag na Garry, personal mo nang puntahan doon," sambit ko. "Ang dami mong alam, sabi ko nga sayo ay tawagan mo na. Tinatamad akong magpunta doon sa loob mo!" pagmamatigas niya pa. Nauurat na ako kay Garry kaya gumamit na ako ng authority sa aking pagsasalita. "Sige na, as your boss, inuutusan kita na tawagin siya doon sa office nila Ma'am Anna at yayain mo siya dito!" Sa pagsasalita kong ito ay tumayo siya at nag

