AVA POV Sabado na ngayon at inaasahan ko na ang pag dating nila Chelsey, Garry at Doc Andrew. Nag handa nga kami ni tita Risa ng maraming mga makakain. May spaghetti, carbonara, macaroni salad, pansit, adobong manok at baboy, lumpiang shanghai, pizza at may iba iba ring mga prutas. Para ngang ang lakas maka noche buena ng mga handa namin dito sa dami pero ayos lang ito dahil hindi ko na alam if masusundan pa ito but most probably sana kasi magiging busy kami ulit this week. Hindi pa tapos yung liempong iniway pati yung isda. Nandoon si Sean sa labas kasama ng kanyang papa. Parehas silang nag iihaw, pupunta nga sana ako doon kanina ngunit pinag bawalan ako ng asawa ko. Nagagalit siya at sinabi na dito lamang daw ako sa loob at mahirap nang makalanghap ng usok. Ganito ka concern sa ak

