AVA POV Tumingin ako kay tita at ako ay napangiti, "Kaya nga po eh, talagang letson na lang ang kulang. Hindi bale, next time po ay titiyakin natin na magkakaroon na ng letson sa lamesa. For now, marami na rin itong mga handa natin so malamang nito mamaya ay matutuwa sila sa mga handa rito sa loob!" "Oh babe nandito ka na pala!" sambit ni Sean na nagpunta sa aking likuran. "Hoy ang sabi mo ay tatawagin mo ako kapag wala na yung usok? Ang lakas ng trip mo ha!" Natawa pa siya, "Sorry na kaagad, nakalimutan ko kasi ang ganda ng action movie na pinapanood namin ni papa ngayon eh. Pero malapit na raw sila Doc Andrew, wait raw natin sila ng mga five minutes ay parating na sila rito. Sabay sabay na tayong kumain!" Ang excited ko na kaya naman ay gusto ko lang lumabas. "Tara babe, abanga

