AVA POV
Naging awkward yung ngiti niya na tila ay nahihiya siya sa nadatnan kong magulong kwarto niya kahit sanay na ako.
"Ayos lang po, kumain muna kayo at baka nagugutom kayo."
Tumalikod ako sa kanya at nagulat ako ng maramdaman ko ang init ng yakap niya mula sa aking likuran. Pinabilis nito ang t***k ng puso ko.
"Ang laki mo na Ava, dati karga karga na kita ngunit ngayon ay napagpasyahan mo nang magpakasal kay Sean."
Nababakas ko ang lungkot sa kanyang pananalita. Naiintindihan ko ang pinang gagalingan ng sinasabi niya sa akin. Nasanay na kami na magkasama sa iisang bahay and now, I am about to leave him alone here. Kaya ganito na lang din siguro kahigpit ang yakap niya sa akin dahil mami miss niya ako.
"Eh kasi dapat mag asawa na rin po kayo ng masarap magluto para mayroon na akong kapalitan dito. Sa dami ng nagkakandarap sa ka gwapuhan niyo, natitiyak ko na madali kayong makakanap ng babaeng magiging katuwang niyo sa buhay," panunukso ko sa kanya.
Napabitaw siya sa pagyakap sa akin bigla.
"Paki kuha pala ako ng isang pitchel ng tubig. Punuin mo ng yelo, ikuha mo na rin ako ng chichirya," pag uutos niya.
Ganito naman si papa Hector, madalas niyang ilihis ang topic kapag hindi niya na trip sagutin. Siguro ay masyadong mataas ang standard niya sa babae kaya walang tumatagal sa kanya after he had a relationship with my mom.
Bumaba na ako at kumuha ng isang pitchel ng tubig at nilagay ko ng maraming ice cube. Kumuha rin ako ng chichirya. Nilagay ko ulit sa isang tray ang mga dala ko at umakyat. Nadatnan ko si papa na nakasandal ang kalahiting katawan sa dingding ng kama habang nakalapag ang tray sa hita niya. Ang sarap pa ng kain niya while watching on his tv.
Ngumiti siya sa akin. Nilapag ko yung pitchel at chichirya sa mesa. Habang nanonood siya ng tv ay nagsimula na akong maglinis sa loob. Una ko munang nilagay sa basurahan ang mga kalat na nakikita ko. Basyo ng sigarilyo, balat ng chichirya, at mga lata ng alak. Winalisan ko rin ang sahig at niligpit ang mga damit sa kama. Sinalansan ito ng maayos sa cabinet. Nakita ko yung mga mamahaling coat ni papa Hector pero takaw atensyon sa ay ang naka white coat niyang naka balot pa ng plastic. May kasama na nga itong asul na necktie.
I have never seen him wearing white coat before dahil sa mahilig siya sa black. So malamang, ang coat na ito ang susuotin niya bukas sa kasal ko. Baka matalbugan niya nito si Sean kasi magpuputing coat din ang boyfriend ko. Baka nga siya pa ang mapagkamalan na groom ko eh.
Ngunit ayos lang ito. As long as maging maayos ang aking kasal bukas, hindi na importante kung sino ang mas pogi kay Sean at kay papa Hector.
"See that coat? Mahal ang bili ko jan pero alang alang sa kasal mo, napapayag ako," sambit ni papa sa likuran ko.
Sinarado ko ang cabinet niya at lumingon ng nakangiti sa kanya. Ang bilis niyang kumain, ubos kaagad yung dinala kong one cup of rice at beef stake. Lumalagok na siya ng alak.
"Sa pagkaka alam ko, parehas po kayong coat ng ni Sean bukas."
"Talaga? Baka mapagkamalang ako ang groom niyan?" pabiro niyang tanong.
Parehas pala kami ng iniisip. Akala ko, ako lang ang may malawak na imahinasyon kasi I already imagined how handsome he would be in white coat.
"Kaya nga po eh. Sana ay wag po kayong magtatabi at baka tayo ang maikasal nito," pabiro kong sabi.
Wala naman akong ibang pakahulugan sa sinabi ko. It is just a mere joke.
"Siya nga pala, bakit nakaparada sa labas ang sasakyan mo? Kanina bago ako umalis, nasa loob 'yun di ba?" tanong niya habang nanonood ng balita sa tv.
"Ah, may binili lang po ako sa labas kanina," pagsisinungaling ko.
Bilang lang sa kamay ang pagsisinungaling ko kay papa Hector at nagsimula ito noong naging kami ni Sean.
"Anong binili mo sa labas?" mabusisi niyang pagtatanong.
"Napkin po, naubusan kasi ako eh," pagsisinungaling ko.
Buti at mabilis akong nakaisipng alibi. Pero deep inside my head ay natatawa ako sa sinabi ko. Hindi na sumagit pa si papa kaya lumabas muna ako at kinuha ang hello kitty ko na unan. Malambot ito at nakakatulog ako kaagad kapag niyakap ko ito. Kumuha rin ako ng mga susuotin ko dahil maliligo ako. Nakakahiyang tumabi kay papa ng malagkit ang katawan ko dahil sa pawis. Unlike him na mas mabango kapag pinag pawisan, ako, madaling bahayan ng germs ang katawan so I need to take a bath upang maalis ang lahat ng libag ko.
Pagbalik ko sa room ko ay kumuha ako kaagad ng panty at bra, pajama at manipis na damit para makatulog ako. I matched my bra sa panty kong pink, maging pajama at damit ko because I remembered na ito yung madalas kong paborito noong magkasama pa kami sa iisang kwarto.
"Ava?" ang malakas na pagtawag sa akin ni papa sa kabilang kwarto.
Nataranta ako sa lakas ng boses niya kaya tumakbo ako pabalik sa kanyang kwarto. Tiningnan niya ako ng may pagtataka.
"Anong gagawin mo?" tanong niya.
"Makikiligo lang po sana ako sa cr niyo."
"Sige! Pakibaba pala mamayang pinagkainan ko at ikuha mo ako ng isang beer ulit," pag uutos niya.
Nag aalala ako dahil si papa Hector mismo yung magmamaneho para sa akin bukas. And I don't want him to be drunk as much as possible. Ngunit nahihiya akong magsalita sa kanya. Isinabit ko muna sa cr niya ang mga susuotin ko at kinuha ang malamig na beer niya sa ref. Dumeretso na ako sa cr at naligo ako ng husto. Mas masarap palang maligo dito sa cr niya dahil mas malamig ang tubig. Nakihiram ako ng sabon niya ngunit paghawak ko nito, may nakita akong kulubot na mahabang buhok. Imposible na sa kili kili niya ito galing dahil maiiksi lang ang buhok niya doon.
Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin. Sa halip ay sinabon ko na lang ang katawan ko. Nang magbanlaw na ako ay ginamit ko yung puting towel ni papa Hector na nakasabit. Hindi ko maiwasan na maamoy ulit yung bango nito katulad ng naamoy ko kanina sa sando niya.