"Alam mo Garry, sobrang sarap ng shang hai nila dito, panalong panalo ang lasa pramis. Sabihin mo lang kapag gusto mo pa ha?" Si Garry, nasamid kaagad matapos mabilaukan sa ginawa nitong si Chelsey. Tawang tawa itong si Sean sa ginawa ng kaibigan kong pag salpak ng shang hai sa bibig ni Garry na ngayon ay nauubo na. Nag alala ako sa kanya kaya naman kumuha ako kaagad ng tubig at binigay ko ito sa kaibigan ko. "Inom ka kaagad ng tubig," sambit ko pa. Uminom naman kaagad ng tubig itong si Garry at nang naging maayos na ang kanyang pakiramdam ay napalingon siya dito kay Chelsey. "Hinayupak ka talagang babae ka, balak mo pa yata akong patayin ha! Nakaka dalawa ka na sa akin, namumuro ka na!" Nagpatuloy lamang sa pagtawa itong si Chelsey. And I think that I need to call her out dahil sa m

