Natawa siya at kinain yung shang hai at muling nagsalita, "Well in fairness, ang sarap din talaga magluto nitong si tita Risa kaya panalong panalo ang lasa!" Tumingin ako kay Sean na nakatunganga sa amin ni Garry. Hinampas ko ang lamesa at nagtaas ng boses sa kanya. "Hoy Sean, paikutin mo na yung bote nakakatawa ka hahaha!" Kumamot siya sa ulo niya at pinaikot na niya ang bote. Ang lakas nga ng kanyang pagpapa ikot eh, hindi katulad ko kanina na sinadyang itutok kaagad kay Ava. Huminto kay Ava ang bote at napatingin ako kay Sean. "Hoy Sean, spin mo ulit, tapos na si Ava kanina, dapat sa aming tatlo naman nila Doc Andrew tumutok ang bote," sambit ko. Muli niyang inikot ang bote and this time around ay kay Garry na tumutok ang bote. Nag taasan kami ng kilay dalawa. "Oh ano ha? It

