SEAN POV Sobrang lungkot ko, natutulala sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Kung masamang panaginiginip man ito ay gusto ko nang magising. Matatanggap ko pa ang sampal na natanggap ko ay Ava ngunit ang mas masakit dito ay yung pag bintangan niya ako na ako ang dahilan ng palpak niyang presentation. There is no way I am going to do that. Bakit ko naman sisirain ang pangalan ng babaeng pinakamahal ko sa lahat at palitan ng mga porn ang videos niya at presentation? Bakit niya ako pagbibintangan? Lumagok ako ulit ng alak. Hindi ako isang taong manginginom ngunit ngayong araw ay ito ang kaagapay ko sa buhay ko. Nakaka dalawang bote na ako ng alak ngunit ang tagal pa ng sipa nito sa akin. Pilit kong nire reach out si Ava sa chat at sa text, sinasabi ko sa kany

