AVA POV "Good morning sayo, sorry kung hindi na kita ginising pa. Baka kasi matakot ka sa alcohol na nilagay ko. Ayaw ko kasi makakita ng pasyente na nahahapdian sa alcohol eh. Alam kong masakit ito so as much as possible ay tulog ang mga pasyente ko pag ginagawa ko ito." Ngumiti ako sa kanya, "Salamat pero ayos lang sa akin. Matanda na rin ako at kaya kong tiisin ang hapdi," sambit ko sa kanya. Mahapdi nga ang sugat ko ng linisan niya ito ng alcohol pero nakatingin lang ako sa kanya kaya gumagaan din ang pakiramdam ko kahit papaano. And then naalala ko na nag chat nga pala ako kay Chelsey using his phone. "Teka nga pala, pwede bang malaman kung nag reply na ang kaibigan ko sayo? I really need to talk to her kasi," maayos na tanong ko sa kanya. "Wala pa eh," agad na sagot niya, "Baka

