"Babe, umulan kaninang madaling araw. At tsaka lagay lang ako ng lagay ng tubig. Hindi ko naman inilubog ang sarili ko sa pool. Malay ko ba na ang lalim na pala. Pero wag na tayong mag sisihan, ang maigi pa ay pumasok na tayo sa loob ng ating kwarto at ako na ang magbabantay ng tawag galing kay Doc Andrew. Eh ayaw ko na ako pa mismo ang tatawag sa kanya kasi malamang busy siya. Imbes na day off niya sa trabaho ay naabala pa tuloy siya!" "Nako Sean, I am so sure na galit na galit yang si Chelsey kay Garry. Kung ako nga ay nagalit sa kanya, what more pa si Chelsey. Nako, ang tindi siguro ng galit niya nito sa Monday." "Hahahaha! Oo nga babe, pero tingnan natin ha? Make sure na aawatin mo sila or mas maganda kung hahayaan mo na lang din tapos kapag magsasabunutan sila, ipa HR mo kaagad."

