"Ang sabi po ni Doc Andrew ay maayos na ang lagay niya and that's it. Wala na po siyang ibang sinabi pa. Siguro dala na rin ng stress eh bago mangyari yun ay nag drama pa sila ni Garry tungkol sa mga buhay nila. Breadwinner din sila parehas so naiintindihan ko if she is stress." "Nako baka hind lang yan stress ha?" Nahiwagaan ako sa sinabi nitong si tita, "What do you mean by that po?" "Eh napapansin ko kasi nitong mga nakaraan na nakita ko siya na para bang nagbabago ang katawan niya katulad mo. Tapos nabanggit pa ni Sean sa akin kagabi na ang hilig din daw niya sa mangga." Alam ko na kaagad kung saan papunta ang usapan namin nitong si tita Risa. "Tita, I don't think na itong si Chelsey po ay buntis. Sinabi niya na po yan nitong nakaraang araw. Nagkataon lamang siguro na nahiliga

