Ang talim talaga ng mga salitang nang gagaling sa bibig ng mama ko. Tapos ang tining pa nga ng kanyang boses at damang dama ko ang sakit. "Oo nga, maging sa akin ay umiiwas ka na rin!" Sasagot na sana ako pero itong si Rowena ay inunahan ako sa pagsasalita. "Pa, may rayuma na kasi kayo at tsaka sa edad niyong iyan ay mahihirapan na kayo sa daan. Syempre ayaw namin na mapahamak pa kayo," sambit niya pa. Maging ang mga tenga ko ay pumapalakpak na sa mga nangyayari. Ang sarap pakinggan ng ginagawa niyang pagtatanggol sa akin. So far, she is doing a great job at wala akong masabi. I am so speechless right now. Natawa si mama at inasar asar niya si papa tungkol sa rayuma. Si Rowean naman ay napatingin sa akin at kumindat siya. In fairness, natutuwa talaga ako sa kapatid kong ito ngayon.

