At bago ako magpa palit ng chips ay nag observe muna ako sa lahat ng mga slots at mga naglalaro sa poker at baccarrat. Grabe, halos ang dami ng mga players dito sa loob ngayon. Mas marami pa ito compared doon sa last time na nag punta kami rito ni Sean. And speaking of him, habang nandito ako sa loob ng casino ay nakatanggap ako ng tawag galing sa kanya. Nagtataka naman akong bigla, bakit kaya siya tumawag sa akin tapos ngayon pa? Medyo maingay pa rito sa casino so I declined his call at nag chat na lamang ako. Hindi naman ako galit sa kanya, the same goes for Ava na alam kong namamagitan lamang sa away namin nitong si Garry. "Anong meron Sean?" chat ko. "Uy nasaan ka? Bakit ka umuwi? Hinahanap ka ni Ava kanina, kakausapin ka raw!" "Suspended ako boy!" sagot ko. Hindi na dapat ak

