"Gago kaaaaa!" "ARAY KO!" malakas ka sigaw niya. "Oh ano ha masakit ba? Ikaw kasi eh! Kinakausap kita ng maayos tapos ganyan ang isasagot mo sa akin. Ayan tuloy, nakatikim ka ng kurot. Si Garry pa ang pagseselosan mo eh ang kapal kaya parati ng lipstick niya at gay na gay siyang kumilos. So ano aamin ka ba o kakagatin kita ulit para magtanda ka na?" "Tama na! Ayaw ko lang naman na mag away tayo eh. Mahirap na mag away tayo ulit, ikaw ang palaging nananalo eh!" "Aba very good! Ganyan dapat ang mga magiging sagutan mo sa akin. Basta ha? Eto seryoso ako, magpupunta tayo sa Tagaytay kaya wag mo sanang pag initan ng ulo si Doc Andrew dahil ako mismo ang magagalit. Walang ginagawang masama ang tao and until this very moment ay hindi pa rin ako nakakalimot sa lahat ng mga kabutihan na nagawa

