"Nako hindi mo yan sure, wag tayong magpakampante sa pananahimil noong isa. Malamang ay hindi siya papayag na sa atin ang huling halakhak. Syempre dahil sa alam na niyang makukulong siya ay mag iisip na siya ng paraan para makaganti sa atin. Baka nga may galamay na siya na gumagalaw sa mga sandaling ito kaya ibayong pag iingat lang girl. Again, maraming pera ang lalaking yan kaya hindi pwede na bahala na sa mga nangyayari. Halatang nasisiraan na rin siya ng bait. Eh nilalamon na siya ng masama, kung ikaw nga na anak na niya ay nagawan ng masama, bugbugin at sinamantala. Basta ha? Wag ka munang lumabas, sabihan mo din si Sean para walang problema. Sino nga pala ang mga pinapunta niyo na jan ha?" "Salamat sa pag aalala mo, Garry! I promise you na mag iingat kaming dalawa ni Sean dito sa l

