Sa bawat tanong ko ay ang hahaba ng mga sinasagot niya. Mabigat ang hinihiling niya na pera. Ayaw ko sanang magpahiram ng ganitong amount pero nakokonsensya din ako. "No problem with that at all. Ngunit hindi na ako papasok sa office. I am so sorry to tell you about it, mahabang kwento pa kasi. So if may bank account ka, ipasa mo sa akin para mabigay ko kaagad ang pera sayo." "Maraming salamat sayo Chelsey. Nalulungkot naman ako na mag reresign ka na. Pero good luck sa journey mo, magiging malungkot din ako na mawawala ang pinaka magandang babae sa office natin." "Sus! Ikaw ha? Talagang binobola mo pa ako dahil lang sa mangungutang ka!" pagbibiro ko sa kanya. "Haha! Totoo ang sinasabi ko sayo, Chelsey! Hindi ba't nitong nakaraan ay nagsabi na ako sayo na liligawan sana kita kung hindi

