Nalungkot at nalugmok ako sa mga narinig ko. Hindi ko gusto na malugi ang company ni Ava sapagkat ito ang hanapbuhay namin. Kung alam ko lang ang gagawin ko para matulungan siya ay ginawa ko na. "Ganun po ba? Sana ay magabayan niyo si Ava. May experience man siya at masasabi kong magaling sa trabaho ngunit may trauma pa po siya sa mga nangyayari. Kagabi nga eh, nakarinig lang siya ng malakas na kidlat ay napayakap na siya kaagad sa akin." "Is that so? Well, that is life but she needs to continue living. I am not trying to be insensitive ha? Pero the only way to move on from this is to move forward. The company really needs her now." Tama siya, hindi naman talaga titigil ang mundo kasi malungkot ang gf ko o may trauma na siya. "Sige po... kumain na po ba kayo?" "Yes, maaga akong kum

