"Teka... may dalaw ka ba ha? Masyadong mainitin ang ulo mo eh." Nanatiling seryoso ang mukha ni Chelsey, "Kumain na nga lang tayo para walang problema. Kanina pa ako nagugutom, ang tagal mo kasing dumating. Masyado mong pinapanindigan ang pagiging pinoy mo. Baka kapag ikinasal kayo ni Ava ay ma late ka rin ha? Nako pag ganyan, magtago ka na dahil magagalit kaming lahat sayo!" "Teka bakit tayo napunta sa kasalan ha? Itaga mo ito sa bato, pinapangako ko na maaga akong pupunta sa mismong araw ng kasal namin." "Speaking of kasal pala, ano ang plano mo kung ikaw ang masusunod? Saan mo gustong maikasal kayo? Sa simbahan ba o sa dagat? Or sa kahit saang trip niyo?" Madali lang sagutin ang tanong niya, "Syempre doon sa gusto ni Ava. Kahit saan pa yan, basta doon siya masaya ay masaya na din a

