AVA POV Muntikan nang may nangyari sa amin ni Sean pero muling bumalik si Doc Andrew at labis akong nagulat sa kanya. At heto kami, na stuck kanina sa traffic ngunit pinili namin na ipa car wash muna itong sasakyan ko nang madaanan namin kanina. Eh ganun din, hating gabi din kami makaka uwi nito. Mabuti nga at mababawasan ang mga lakad namin sa mga susunod na araw. Nandito kami, tamang kape lamang habang naghihintay na matapos ang paglilinis ng aking sasakyan. Itong si Sean ay halatang galit kasi hindi siya nagsasalita. Ako naman, heto at nakikiramdam sa kanya kung kaylan siya magsasalita. As long as he is not talking, then I am not going to talk as well. I don't want to talk as well. Nagpapataasan kami ng pride. Eh alam ko naman ang pinag puputok ng butchi niya ay dapat may nangyar

