Ang layo na rin ng narating ng friendship nilang dalawa to think na dati, noong nasa resort kami ay parang magkaaway sila. "Buti at naging close na kayong dalawa kasi if I can recall it correctly, magkaaway kayo noong time na nandoon tayo sa resort." "Ano ka ba Ava? Ibaon na natin itong lahat sa limot. Eh kung babalikan natin ang nakaraan, remember na kahit tayong dalawa ay magkaaway din noon at nag decide lang tayo na magbati. Paano, pinapahirapan mo ako sa lahat ng reports mo kaya naging masama ang loob ko sayo for a short period of time. Frankly speaking, during that time ay gustong gusto na nga kitang ipakulam eh. Pero natatakot ako sa magiging consequence. See? I can still remember that clearly kahit na ang tagal na nitong nangyari and for sure ay naaalala mo pa itong lahat." Na

