"Haha! Chelsey, alam mo, mga tanga lang ang mga taong nalululong sa sugal. Masyado nilang inaasa dito ang source of income nila. Kaya pati pangkain nila at pang gastos sa bahay ay itataya nila para umasang lalago. That is a stupid mistake kaya maraming nasisirang buhay. Ako, may control akong tao. Alam ko kung magkano lamang ang ipapatalo ko. Kung lulong ako, eh di sana dati pa na akong naghihirap. Ako ang bahala sayo, masarap na libangan ang sugal, hindi mo mamamalayan ang oras dahil kapag nandoon ka na ay wala ka nang ibang iniisip pa. Lalo kapag nananalo ka, mas masarap ang kilig sa sugal kumpara sa pagkakaroon ng syota." Nadadala ako sa mga mabulaklak niyang mga salita. Nakaka engganyo ito at gusto kong sumubok. Sa bagay, sa kanya din naman galing ang pera ko kaya kapag naubos ito ay

