"Itak? Para saan ang itak, Chelsey?" "Hahahaha para saan pa, Ava? You know what I mean joke lang!" Na gets ko na, siguro kahit maging itong si Chelsey ay nararamdaman din ang pagseselos ni Sean kay Doc Andrew. "Sige, tatawagin ko na siya sa loob ng kwarto namin para sabay na tayong lahat kakain." "Wait... sa sofa ako matutulog. Nakakasawan na kasi sa kama eh." Alam kong sinasabi lang ito ni Doc Andrew dahil sa nahihiya siya. "Don't worry doc, doon po kayo sa kwarto matutulog tatlo nila Chelsey at Garry." "No!" Mariin niya pang pagtanggi. "I will be okay kahit na nasa sofa lang ako." Tutol ako dito kasi siya ang magmamaneho ng sasakyan namin mamayang madaling araw so he needs to have a comfort room to rest. "Sure ka ba doc? Wala naman kaming gagawing masama sayo ni Garry. Mukha

