Pinilit ko silang sumayaw. Tumigil muna ako at tatlo kami ni Ava at Garry na nag cheer sa kanilang dalawa habang sumasayaw ang mga ito. Si Sean, todo bigay rin at may mga moves na masasabi kong pwede na rin siyang matawag na dancer. Ngunit itong si Doc Andrew, ewan ko ba kung nahihiya lang siya o talagang ganito siya kalamya kumilos pero nababaduyan ako sa kanya na nakasuot siya ng pang doctor na damit tapos sumasayaw. Gusto ko na nakapambahay lamang siya or iba ang kanyang suot. "Doc excuse me ha? No offense sayo ngunit baka pwede ka muna magpalit ng damit? Ang pangit kasi kung naka uniform ka tapos sasayaw ka? Palit ka muna doc, hintayin ka namin dito!" "Hehehe! Sige, oo nga, kanina pa dapat ako nagpalit ng damit," sambit niya. At habang wala siya dito ay nagpatuloy kami sa pagsa

