"Sean gising ka pa?" pagsisigaw ko. Hindi nag response ang boyfriend ko kaya kinalabit ko siya. "Tulog din siya hehe! Actually, noong natulog ka ay tulog na rin silang lahat. Mamaya babawi ang mga yan, pare parehas kasi silang puyat eh!" sagot ni Doc Andrew habang busy siya sa pagmamaneho. "Ganun ba doc? Kanina ang saya saya pa natin pero ngayon biglang natahimik. Nasaan na nga pala tayo?" "Nandito na tayo sa Tagaytay pero medyo malayo pa tayo doon sa resort. Pwede ka munang matulog, tapos gigisingin ko na lang kayo lahat once na nakarating na tayo sa resort." "Hindi na kasi ako naantok Doc Andrew, pero itong mga kasama ko, halatang mga puyat din. Buti at walang humihilik sa kanila ng malakas." "Haha! Kanina itong si Garry, humilik siya ng malakas pero saglit lang din." Napatin

