AVA POV Tumagal pa kami rito ng matagal dito sa kwarto ni Sean at nang papalabas na kami, nagulat ako na sarado ang pintuan. Sinubukan namin itong buksan pero sarado talaga ito at halatang naka lock mula sa labas. Ang weird man nito ngunit kumatok ako sa pintuan. "Chelsey Garry ano ba? Buksan niyo ang pintuan, lalabas na kami ni Sean!" pagsigaw ko. Hindi naman ako galit ngunit kapag mahina ang boses ko ay baka hindi nila ako marinig sa labas. Wala akong narinig na sagot galing sa labas kaya si Sean na ang kumatok. Mas malakas kasi ang boses niya compared sa akin. "Guys, pwede na kaming lumabas. Nasaan na kayo?" tanong niya pa. Kahit maging dito kay Sean ay walang sumagot. Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan ko si Garry, walang sumasagot. Nababahala na ako sa mga mangyay

