AVA POV Nagulat ako sa ginawa nitong si Garry, gumanti siya at hinulog itong si Chelsey sa pool. Literal na nahulog si Chelsey sa pool. I put my hands in my mouth in shock. "Hahahahah! Anong akala mo sa akin ha!? Hindi ako marunong gumanti? Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng tinulak?" Ako, imbes na tulungan si Chelsey ay natawa pa. "Okay lang, maliligo naman talaga ako! Ikaw Garry ha? Yumabang ka na kaagad porket may tinatago ka nang boylet!" "Talaga Chelsey? Sila na ba nung guy?" tanong ko. "Not yet pero hiningi na niya ang social media account ni Vince at sure akong magkakamabutihan na silang dalawa!" I am so proud of Garry, sana nga ay magkaroon na talaga siya ng boyfriend para parehas na kaming may love life. "Magbibihis na ako, jan muna kayo!" Pag alis ni Garry ay nagt

