AVA POV "Ang kulit mo Sean! Tara na nga, umalis na tayo dito at baka kung saan pa mapadpad ang usapan natin!" "Wait girl, magpa picture muna tayong lahat!" sambit ni Chelsey. Nagtawag siya ng isang waiter na nag picture sa aming lahat. Ang saya namin, nag upload na rin kami ng mga photos namin sa aming kanya kayang social media accounts. Maging yung video kung saan nag propose si Sean ay inupload ko na rin para mas masaya. Ang haba pa nga ng naging speech ko sa aking post. Syempre, ito na yata ang pinaka masayang post ko so far. And nagawa ko pa ngang isiningit ang magandang balita na sa wakas ay nakakulong na ang demonyo kong stepdaddy. I tagged Chelsey, Garry and Doc Andrew. Tapos yung iba ko pang mga friends. Ang dami nga kaagad congrats at heart, like ng mga posts ko. Sobrang

