AVA POV "You're not funny!" pikon na sambit nitong si Garry. "Kaya nga! Bwisit ka Sean, akala mo naman ay nakakatawa ang prank mo. Muntikan nang mahulog ang puso nitong si Ava sa kaba oh!" dagdag ni Chelsey. Tumingin sa akin ang boyfriend ko at napangiti pa siya. Yayakapin na sana niya ako pero ako itong tumanggi sa kanya. I pushed him away pero halata na wala pa akong lakas kasi nga ay hindi naman siya lumayo sa kanyang kinatatayuan. "Shut up!! Ang lakas mong mantrip ha? Sa lahat pa talaga ng mga prank ay ito pa ang naisipan mong gawin? Matuto kang magkaroon ng kahihiyan. What if may nangyari sayong masama next time tapos hindi ka namin pinansin kasi ang alam namin ay isa itong prank?" Muli siyang lumapit sa akin para bigyan ako ng mahigpit na yakap but once again, I pushed him away

