AVA POV "Hoy Sean, akala mo ba ay nakakalimutan ko yung pangako mo ha? Ililibre mo pa kaming lahat ng ice cream dito!" "Isagad mo na, Sean! Ilibre mo na ang buong lunch nating lahat para kapag dumating tayo sa restaurant na may masarap na bulalo." "Oo nga Garry, Doc please punta tayo ulit doon sa restaurant na kinainan natin nitong nakaraang araw. Masarap ang bulalo doon at feeling ko ay may ice cream din silang tinda." Napakamot ng ulo si Sean and after a few seconds ay nakatanggap ako ng chat galing sa kanya. "Babe, pakisalo ako, wala talaga akong panlibre sa kanila. Nagbibiro lamang ako, ikaw na ang bahala. Kahit sana ikaltas mo na lamang sa sahod ko para walang problema." Paawa effect pa itong si Sean ngunit naaawa din ako sa kanya since wala pa siyang source of income. "Si

