CHELSEY POV I really thought na kakalma siya kapag sinabi ko ito pero mas lalo pa yata siyang nagalit sa akin. "Ako ba ay pinag loloko mo ha? You still have a time to buy me foods. Gusto ko yung masarap at mamahaling pagkain. Steak man, whatever, kaylangan ko ng masasarap na pagkain dahil sukang suka ako sa mga pagkain dito sa loob. After all, may karapatan naman akong mag demand sayo kasi sa akin naman galing ang pera na yan. Kaya bilisan mo na, hihintayin kita rito at dapat ay bumalik ka kaagad dahil nagugutom na ako!" Ang lakas niya pang makautos sa akin pero wala na akong nagawa pa kung di ang sumunod sa pinag uutos niya. Tumayo na ako at dadalhin na sana ang aking bag ngunit bigla siyang nagsalita. "Wag mo nang dalhin ang bag mo para makasigurado ako na babalik ka pa rito, Ch

