Ang higpit ng yakap sa akin ni Sean. Kaylan kaya matatapos ang mga matitinding pagsubok ng aming buhay? Hirap na hirap na ako sa mga ito. Kahit na may support system. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas ng wala na ang isang taong tumaguyod sa akin. "What happened here? Bakit ganyan ang sinapit niya?" dugtong na tanong ni Sean. "Tumakas si Hector mula sa kulungan pero sumabog ang kotse na kanyang sinasakyan. Siguro ay hindi na niya matanggap ang lahat ng mga nangyari at stress na sa loob ng piitan that is why tumakas na lang siya kaysa as manatili doon ng habang buhay," sagot ni Ma'am Anna. "Pero may kasabwat si Hector sa pagtakas at para sumabog ang sinasakyan niyang kotse? I am so sure na kung sino man ito, he betrayed him. Malakas ang kutob ko na ang taong ito rin ang ma

