"Okay! Pero daan muna tayo ng pasalubong para sa boyfriend mo. What if gising na siya tapos gutom?" "Kapag may madaanan tayo tapos walang traffic, pwede siguro, eh kung wala, baka lumabas na lang ako ng hospital upang bumili." Dahil na rin sa napaka tinding traffic, inabot kami ng isa't kalahating oras ni Chelsey sa aming biyahe. Nakaka stress, nakakayamot at nakaka loka, ganito yung parehas naming nararamdaman sa mga sandaling ito. Sa inis nga namin ay hindi kami nakadaan ng pasalubong. Baka kasi mas mahassle pa kami eh. "Grabe teh, sana pala ay nag helicopter na lang tayo para makaiwas sa matinding traffic," saad niya na pinaypayan ang kanyang sarili. Ang init kasi paglabas namin ng kotse, kahit na may silong dito sa parking lot, dama pa rin ang init. Tinawanan ko lang siya kahit na

