SEAN POV Habang nandito kami sa loob ng jeep ay hindi mapigilan ng aking katawan na manginig sa kaba. Hindi man malamig sa loob ng jeep na siksikan ay tila masama ang pakiramdam ng katawan ko. Nasa dulong upuan ako at katabi ko si Chelsey. Ayaw ko nga sanang ipakita sa kanya ang kabang nararamdaman ko subalit hindi ko makontrol ang .katawan ko na patuloy sa panginig. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding kaba. Tapos may pumasok pang paro paro sa dulo ng ilong ko. Sa lahat ng parte ng katawan ko, dito pa talaga ito dadapo. Ang sabi pa naman ng mama ko noon ay masamang pangitain yung ganito kaya tinaboy ko kaagad sa ilong ko. Ang weird na sa naandar na jeep ito lilipad. Lumipad yung paro paro palabas ng sasakyan. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama

