"What!?" kunot noo niyang tanong na may pagkagulat. "Oo, Chelsey, maniwala ka sa sinasabi ko. Sobrang delikado na ang lagay ni Ava. Nilalason din ng demonyo niyang stepdad ang kanyang isipan, malamang nga ay tinakot niya yun noong nakausap ko siya. Nagiging malinaw na ang lahat kaya nawala na ang mga agam agam sa utak ko." "Again, sorry Sean, pero hindi ko mapipilit ang sarili ko. If you want, as early as 4 am ng umaga ay pupunta tayo doon since tomorrow is Sunday. Pangako ko sayo na ililigtas natin si Ava. For now, it's much better kung tatawagan mo muna ang parents mo and tell them na nandito ka sa bahay ko. Ay no, tell them na nasa bahay ka ng tropa mong iba. Kilala na ako ng mama mo at mainit siya sa akin, baka kapag sinabi mong nandito ka sa bahay ko ay mag hinala talaga siyang ma

