Dito na ako tuluyang sumabog sa galit. Hindi dahil sa sinabihan niya ako na wala pang nararating sa buhay, ito ay dahil sa pagbunyag niya ng s*x namin ni Ava na dapat ay sa aming dalawa lamang. Paano niya nalaman ang tungkol dito? Impossible namang si Ava ang magsasabi sa kanya nito. Not unless ay hinarass niya ito at tinakot! Isang malakas na sapak ang pinalipad ko sa kanyang mukha at sa lakas nga nito ay nauntog siya sa gate. Muli akong niyakap ni Chelsey sa likuran ko at hinila ako papalayo sa demonyong ito. Tumawa pa nga siya ng parang baliw sa harapan namin ni Chelsey. Literal na nasisiraan na siya ng bait. May sayad na yata sa utak ang lalaking ito at naaawa ako sa mga sinapit ng gf ko sa kanyang kamay. Nginitian ko siya na may halong yabang. "Ano ha!? Masakit ba? Yang suntok

