"Ngunit bakit pa po kaylangan na humantong sa ganito ang lahat?" tanong ng mama ko, hirap na hirap na siyang pigilan ang mga luha sa kanyang mga mata. "Alam kong mayaman na lalaki po si Mr. Hector ngunit baka pwede po itong idaan sa masinsinang pag uusap!?" "I doubt na makikipag usap ang client ko sa inyo after what happened. Mag aaksya lamang po kayo ng panahon. Mr. Hector is not the type of person na urong sulong sa mga desisyon sa kanyang buhay. I am telling you, the moment na hinired niya ako, wala nang bawian pa sa kasong ito. Sige na po, kaylangan pagbayaran ng anak niyo ang kasalanan niya!" Lumapit si mama at niyakap niya ako ng mahigpit. "Anak! Nangangako ako sayo na makakawala ka sa kulungan. Ngunit sa ngayon ay magtiis ka muna. Gagawa ako ng paraan, hindi pwede na mangyari ito

