AVA POV Bumuhos ang malamig na tubig sa mukha ko at dito ako nagising. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang tauhan ng demonyong stepdad ko. Nang sipain ko siya kanin nang ipasok niya ako sa van ay muli akong sinuntok sa aking tiyan. Nagmadali siyang magmaneho, akala ko nga ay maaaksidente kami sa tulin ng pagpapatakbo ng kayang sasakyan. Nakakainis, akala ko ay tuluyan na akong maililigtas ni Sean ngunit natunugan pa ng gagong ito ang ginawa ng boyfriend ko. Kung noon ay may katiting na pag asa pa akong natatanaw, ngayon ay nawawalan na ako ng pag asa sa buhay. Ang seryoso ng kanyang mukhang maraming mga pasa. Sayang, tulog ako kanina noong bugbugin siya ng demonyong stepdad ko dahil sa katangahan niya. Sana kasi ay tinuluyan na lamang siya, ganito na katindi ang galit ko s

