Isang malaking kasinungalingan lamang po na isang mabait na tao ang papa ni Ava. Sinunog lamang niya ang mga ebidensya sa bahay niya ngunit siya ang may pakana ng lahat ng ito. Kung ayaw niyo pong maniwala sa mga sinasab ko ay ayos lang. Ngunit maniwala po kayo sa sarili niyong anak dahil sa nagsasabi po siya ng pawang katotohanan. Si Sean at Ava po ang mga totoong biktima dito!" "Kapag nabugbog ang anak ko sa bilangguan at kung hindi siya makakalaya, sisiguraduhin ko na ikaw ang babalikan ko. Kasama mo si Sean dito at ikaw ang gumawa ng paraan upang iligtas ang anak ko. Alam mo bang awang awa ako sa asawa ko kanina, iyak siya ng iyak, walang tigil kasi nasa kapahamakan ang anak namin. Magpasalamat kang di ka nadamay sa kaso niya." Oo, masakit ang mga sinasabi niyang ito na ako ang sin

