AVA POV Pinilit kong ngumiti kay Sean kahit na nangininig na ako sa takot sa halimaw kong stepdad. Hindi ako nanghihinayan na binigay ko ang sarili ko sa boyfriend ko dahil mahal ko si Sean at deserve niya na makuha ang virginity ko. "Nagpapatawa ka ba? At bakit niya yun gagawin Sean? Wag ka ngang matakot sa kung anong pwedeng gawin ng papa ko. Mas matakot ka sa akin kapag nag loko ka pagkatapos mo akong iskoran!" "Babe, grabe ka makapag salita! Bakit nata trauma ka eh hindi pa naman ako nagloloko sa tagal ng relasyon nating dalawa at wala akong planong mag loko. Wag ka na kasing ganyan mag isip. Sige na, sagutin mo na ang tawag ng papa mo. Kung gusto mo ng privacy, pwede mong sagutin ang tawag niya sa labas. Naiintihan ko naman na minsan ay kaylangan niyo ring mag usap ng masinsinan.

