"Ito? Ah, isang taon ko na itong sasakyan ko. Ito din ang unang naipundar ko noong kakasimula ko pa lamang sa trabaho." "Parehas tayo, sasakyan din ang una kong ipinundar sa una kong sahod." Tumingin siya sa front mirror niya, "Really? Marunong ka din pala mag maneho? Wow!" "Oo, actually nga, mahal ko yung car na yun. Parang baby ko na din siya subalit hindi ko na rin yata makikita ang sasakyan ko na yun eh." "Talaga? At bakit naman?" "Kasi yan ang ginamit ko kahapon ng tumakas ako. Nawalan kasi yun nang gas at tumakbo ako sa mala gubat na lugar at doon na ako nabaril ng dalawang beses. But I will save the rest of the details." "It's okay, I understand, pero iko contact ko din pala ang Uncle ko mamaya. Sinubukan ko siyang tawagan kagabi ngunit tulog na siya kaya hindi niya ako sinago

