Just imagining it, I think na sobrang mahal ng magiging bill niya sa hospital. Nakaka inggit talaga siya! Samantalang ang mama ko nga ay hirap nang ma confine sa bahay namin pero ang lalaking ito, nagtatapon lamang ng pera! Kung tutuusin ay nabugbog lamang siya at ang mga pasa niya, kayang pagalingin ng yelo, ang arte niya masyado. Daig pa niya ako sa kaartehan niya!" "Ganun!? Siguro ay sobrang mahal ng room niyo?" Muli siyang sumimangot, "Wala ka nang pakialam pa! Eh ano ngayon kung mahal ang babayaran ko? Nakaka inggit ba ha? Nag sumikap kasi ako sa buhay kaya ako umangat ng ganito sa buhay!" pambabara niya. "Hindi po ako naiinggit," pagsasabat ko, "Kaya ko po ito tinanong ay dahil naku curious ako kung magkano ang bill." "It's about 30 thousand sa isang araw!" sambit niyang may ha

