"Sean, I am sorry but what are you talking about ha?" pagdedeny niya pa pero nakikita ko sa kanyang mga labi na nanginginig ito. "Sige, mukhang wala kang planong sabihin ito ngunit sana naman ay iwasan mo na si tito Hector. Isang demonyo ang lalaking yun, wag kang makikinig sa sinasabi ni papa. Wag mong papaniwalaan ang sinasabi niya na ikaw ang rason kung bakit ako nalagay sa kapahamakan. I did it to myself at sinubukan mo akong pigilan noong time na sinasapak ko ang lalaking pinang gigigilan ko. Malaki ang utang na loob ko sayo Chelsey, at kapag napahamak ka pa ay baka mabaliw na ako nito. Ako na ang nakiki usap sayo, please, isang baliw ang lalaki na yun, kung nagawa nga niyang babuyin si Ava, ikaw pa kaya? Magtapat ka nga sa akin, nagpunta ka na ba sa bahay niya? Ano ang mga napag

