"Yan nga rin ang naikwento sa akin kanina noong nurse at napatanong pa nga ako kung mapupunta ang matandang iyan sa mental hospital o makukulong!" "Ako for me ha? Much better nang mapunta siya sa mental kesa sa kulungan kasi malamang kapag nakulong yan sa selda ay gagawa siya ng paraan para makatakas or pwede siyang makapag piyansa. That is what I think, mas gagaan ang buhay nating lahat when that happens." Magkaiba man kami ng opinion pero may point kami parehas. "Siya nga pala Ava, sino ang ibang bibisita sayo dito? I think na dapat ay may ibang taong nagbabantay sayo bukod sa nurse. Kasi may mga ginagawa din sila. How about Garry or any of your officemates?" "Actually, ayaw ko pa sana itong ipaalam sa ibang tao lalo na sa office namin. But I will contact Garry kapag nahirap ko a

