Sumingit si Tita Risa sa akin. "At bakit ikaw pa yata itong nahihiya, Ava? Ikaw itong biktima sa nangyari. Ang stepdad mo ang mapapasama rito. Hayaan natin siyang mag dusa at mapasama sa mga tao sa office niyo. Hindi ikaw ang dapat na matakot dito kung hindi siya. Pero dapat lang na mahuli na kaagad si Hector para hindi na siya makapanakit pa ng ibang tao." "Tita I beg to disagree po," sambit ni Chelsey. "Sorry pero kahit na siguro nakakulong siya ay makakapag bayad pa rin siya ng tauhan para makapanakit lalo na dito kay Ava at Sean. And again, kagaya ng sinabi ko kahapon, tawa ng tawa yang demonyong yan at sana ay masiraan na lang siya ng bait para sa mental ang bagsak niya. In that way, kapag nasa mental siya, wala siya sa sariling pag iisip hindi na makakagawa ng mali. Yan nga po

