Napa buntong hininga pa ako sa stress ko. "Ganun ba? Baka siguro kasi ay matindi pa ang trauma niya matapos ang nangyari? Marami din kasing mga patients ang madalas ma trauma kapag meron silang masamang naging karanasan. Oh baka kaya ay natatakot siya para sa pamilya niya kaya nag desisyon siya na wag munang lumitaw." Mas lalo tuloy akong nag alala kay Chelsey and since malaki din ang utang na loob ko sa kanya ay nais ko rin siyang ipahanap. Napangiti ako ng maalala ko si Sean, sa pagkakatanda ko ay nakapunta na siya sa bahay ni Chelsey so siya ang magiging daan para mabisita ko ang kaibigan ko. And speaking of him, sobrang excited na ako sa muling pagkikita namin ngayong araw. I swear, kapag nakita ko siya ay yayakapin ko siya ng mahigpit. "Siguro nga pero hahanapin ko din yang si

