Kumalma ako at ngumiti, "Sige gagawin ko ito hangga't wala siyang ginagawang masama. Pero nagtataka ako, nasaan ba si Chelsey? Hindi ba natin siya kasama?" "Kasama?" napuno ng lungkot ang mukha ni Ava, "Isang linggo na siyang walang paramdam sa hospital. Ang weird nga dahil nag promise siya na sasama sa court but mukhang walang Chelsey na lilitaw. Sayang, mas maganda sana kapag nakita niya ang lalaking muntik nang humalay sa kanya na makulong." Sasabihin ko sana sa kanya na nagpunta rito si Chelsey one week ago pero naalala kong sinabi ni Chelsey na magfo focus daw siya sa mga problema nila sa bahay at malamang ito ang rason kung bakit siya wala. And to keep it a secret kay Ava. Tama lang din siguro ito at baka magselos pa si Ava. Ayaw ko nang mag away pa kaming dalawa. "Alam mo ba

